Published On: Sat, Apr 27th, 2019

Paano babaguhin ng Homo luzonensis ang kasaysayan ng mundo?

Share This
Tags

Ang pagkatuklas sa Homo luzonensis ay nangangahulugan na lumalawak ang evolution map at family tree ng species ng tao

Published 7:26 PM, April 27, 2019

Updated 7:40 PM, April 27, 2019

DISCOVERY. An international multidisciplinary team led by Armand Mijares discovered a new human species, the Homo luzonensis, from an excavation site inside Callao Cave in Penablanca, Cagayan. File photo by Darren Langit/Rappler

DISCOVERY. An international multidisciplinary team led by Armand Mijares discovered a new human species, the Homo luzonensis, from an excavation site inside Callao Cave in Penablanca, Cagayan. File photo by Darren Langit/Rappler

MANILA, Philippines – Bago madiskubre ng archaeologist na si Armand Mijares ang mga buto at ngipin na nahukay sa Callao Cave, Cagayan, naniniwala siyang iisa lamang ang uri ng tao na napadpad sa Pilipinas noong unang panahon – ang Homo sapiens, na siya ring kinabibilangan natin ngayon.

Masusing pinag-aaralan ni Mijares, associate professor at siyentista sa University of the Philippines, ang kasaysayan ng pandarayuhan o migration ng mga sinaunang tao sa Southeast Asia.

Unang nakilala si Mijares sa buong mundo noong 2010 dahil sa pagkakahukay ng buto ng paa ng sinaunang tao sa Callao Cave, Cagayan, na tinawag na Callao Man. Ang butong ito ay tinatayang may 67,000 taong gulang – mas matanda sa tinatawag na Tabon Man na isang Homo sapiens na natuklasan sa isang kuweba sa Palawan at tinataya namang may 50,000 taong gulang.

Ngunit nagbago ang kanyang pananaw nang mapatunayan sa pag-aaral ng kanyang grupo na may ibang uri ng taong nakapamuhay sa Hilagang Luzon.

Noong Abril 11, inilathala sa front cover ng Nature – isa sa pinakakilala at pinakarespetadong peer-reviewed scientific journals sa buong mundo – ang pag-aaral ni Mijares at ng kanyang grupo tungkol sa bagong miyembro ng mga uri ng tao na natagpuan sa Asya, ang Homo luzonensis.

Pagbabago ng mga aklat ng kasaysayan

“Kailangang baguhin ang mga libro. Hindi lang mga textbooks natin [ang babaguhin] kundi sa buong mundo – sa Germany, sa China…. Kapag nagbasa sila ng kasaysayan ng mundo, lalo at tungkol sa mga sinaunang tao, nandoon na ang Homo luzonensis at masasabi roon na nakita ito sa Luzon, Philippines. Nakamarka iyan sa buong mundo,” ayon kay Mijares.

Sa panayam ng Rappler kay Mijares, sinabi niyang kahanay ng karangalan na mailathala sa front cover ng Nature ang pagkakadiskubre sa atom, DNA, at iba pa.

“Maililinya mo ang pagiging front cover ng Homo luzonensis sa Nature front cover noong 1900s, noong lumabas at madiskubre ng [Dutch scientist na si Eugène] Dubois ang Homo erectus, ang Australopithecus, ang DNA, ang atom – lahat iyan naging front cover ng Nature,” ani Mijares.

Sa isang pagdiriwang na pinangunahan ng mga kasamahan ni Mijares sa UP noong Miyerkules ng gabi, Abril 24, ibinida ni UP president Danilo Concepcion ang kahalagahan ng pagkakatuklas ng Homo luzonensis at inihalintulad ito sa kung paano ipinagmalaki at pinarangalan ni Jose Rizal ang mga batikang pintor ng kanyang panahon na sina Félix Resurrección Hidalgo at Juan Luna.

“Rizal and the Propaganda Movement members only had the Solidaridad to publicize their intellectual outputs. In our time in early April 2019, the prestigious Nature gave the Philippines and [the] UP Archaeological Studies Program the honor of landing in the world map of great scientific achievements, nay, of being in the pages of every newspaper of note in many foreign languages,” aniya.

Ayon naman sa batikang archaeologist na si Eusebio Dizon ng National Museum of the Philippines at UP, sa loob ng mahigit 4 na dekada niya sa larangan ng archaeology sa Pilipinas, ipinagmamalaki niya na nakilala at nakatrabaho niya ang katulad ni Mijares. Si Dizon ang founding director ng UP Archaeological Studies Program.

“I am very happy that in my lifetime, my colleague, Dr Mandi Mijares, shows perseverance. He has that quality – to dig in a sterile layer and continue digging and finally found the biggest discovery in the Philippines,” ayon kay Dizon.

“We had many good discoveries in the National Museum…but to me, personally, this is the biggest. Can you imagine to be in the cover of Nature? I haven’t even dreamed of that!”

Dagdag pa niya: “You are put in the same level that our colleagues all over the world will read your work. That makes someone like Mandi an archaeologist at his best.”

Iba pang uri ng tao

Ang pagkatuklas sa Homo luzonensis ay nangangahulugang lumalawak ang evolution map at family tree ng species ng tao. Ayon kay Mijares, maaari ring mayroon pang ibang species ng tao na hindi pa natutuklasan sa Pilipinas.

“Kapag pinag-usapan ang pre-history ng Pilipinas, dalawang lugar lang iyan, Palawan at Cagayan. Paano ang Visayas? Paano ang Mindanao? Wala tayong data. Kailangan ding maghanap doon at maghukay din doon,” sabi ni Mijares.

Hinihikayat niyang suportahan pang lalo ang mga proyekto ng mga archaeologist sa Pilipinas upang mabuo ang kasaysayan ng sinaunang pandarayuhan sa bansa.

“Kailangan talagang mag-research at pagtiyagaan. Kailangan ng tiyaga diyan…kung hindi, walang ganansiya (resulta),” dagdag ni Mijares. – Rappler.com

Source link

About the Author