Published On: Tue, Apr 2nd, 2019

OPM singer na si Jim Paredes, nagsalita tungkol sa umano’y ‘sex video’ niya

Share This
Tags

Nagsalita na ang OPM singer na si Jim Paredes sa umano’y kaniyang sex video na kumalat at pinag-usapan sa social media.

Sa kaniyang blog post nitong Lunes, April 1, sinabi ni Paredes na dapat ay pampribado lang ang naturang video at hindi dapat isinapubliko.

“I do not know how it became public. I can only surmise that in this ugly season of toxic politics, muckrakers determined to neutralize my influence by violating my privacy and digging up dirt on me are at work,” saad ng mang-aawit.

Nagpasya umano siyang magsalita dahil nais niyang maging totoo at ito ang magpapalaya sa kaniya.

“After mulling and praying over it, I decided to come clean. There are already too many lies and liars in this world. I do not wish to be a part of that cabal,” sabi ni Paredes.

Iginiit din niya na hindi niya binalak na palabasin ang sarili na perpektong tao. Humingi rin siya ng paumahin sa nangyari.

“Of all the sins in this world, I believe sex is the most human of all. I am not saying this to excuse what, I regret, was broadcast on social media,” sabi niya.

“I made a mistake, I was irresponsible. And I am truly sorry,” patuloy ni Paredes.

“Most especially, I stand in bottomless sorrow and contrition before my family who are reeling from the hurt and aggravation, and the embarrassment and shame, that should only be mine. I pray that they be spared any more wicked trolling by those who would revel in their pain.” —FRJ, GMA News
 

Source link

About the Author