Published On: Tue, Apr 2nd, 2019

Michael V., singer at songwriter din ng theme song ng ididirek niyang movie na ‘Family History’ | Chika Muna

Share This
Tags

Bukod sa pagiging producer, aktor at direktor, si Michael V. din magsusulat ng lyrics at kakanta ng theme song ng directorial debut niyang “Family History.” Ang band version naman ng theme song, aawitin ng ilang Kapuso star.

“Ba’t Gano’n?” ang magiging pamagat ng naturang theme song, ayon sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Martes.

Tila magiging karugtong ng pelikula ang kanta dahil sa nakaka-senti nitong mensahe.

“It’s about hope. It’s about putting your trust in someone else’s good hands. Pati na rin faith. May kinalaman ito sa movie,” ayon kay Bitoy.

Madamdamin ang version ni Michael V. na buong puso niyang inawit.

Talagang inako na ng Kapuso comedy genius ang creative positions ng “Family History” dahil siya rin ang propsman.

Samantala, aawitin nina Miguel Tan Felix, Jimwell Ventenilla at Mikoy Morales ang ikalawang bersyon o ang band version nito.

Hamon sa kanila ito at proud sila dahil napili silang makatrabaho ng Kapuso Comedy Genius.

“Challenge po, hindi ko naman talaga forte ang pagkanta eh, pero dahil bilang challenge, siyempre bawat challenge sa buhay natin kailangan natin paghandaan, pagbutihan at pag-aralan,” sabi ni Miguel.

“Talagang pangarap kong makatrabaho si Michael V. na, sabi ko, sana makatrabaho ko siya din. Sobrang ang laking karangalan para sa akin,” ayon kay Jimwell.

“It’s a band version kasi so sana mabigyan namin ng justice ‘yung arrangement nila,” para naman kay Mikoy.– Jamil Santos/FRJ, GMA News

Source link

About the Author