Published On: Mon, Apr 8th, 2019

Mga OFW, isa sa mga inpirasyon ni Yasmien Kurdi sa pagkuha ng kursong political science | Chika Muna

Share This
Tags

Ngayong natapos na ni Yasmien Kurdi ang kolehiyo sa kursong political science na magna cum laude pa, inihayag ng Kapuso actress ang balak niyang sunod na gagawin.

Sa “Starbites” report ng GMA News TV “Balitanghali” nitong Lunes, sinabing pinatunayan ng “Hiram Na Anak” star na si Yasmien na hindi dapat maging balakid ang showbiz para makamit ang pangarap na diploma.

Bagaman sampung taon bago nakatapos si Yasmien sa kolehiyo, sulit naman ito dahil with flying colors ang kaniyang pagtatapos dahil nakamit din niya ang parangal bilang magna cum laude.

Naging malaking tulong daw sa kaniyang pag-aaral ang kaniyang pamilya at maunawaing asawa kaya napagsabay niya ang showbiz at pag-aaral.

Sunod daw na balak gawin ni Yasmien na mag-masteral.

Nang tanungin kung bakit political science ang kinuha niya kurso, sabi ng aktres, “Kasi nung bata kasi ako di ba tumira ako sa Kuwait kasama ang mom and dad ko. Nakita ko yung sitwasyon ng mga OFW doon, mga kababayan natin, parang naisip ko in the future kung kukuha ako ng kurso yung something na makakatulong naman ako sa kanila.”– FRJ, GMA News
 

Source link

About the Author