Published On: Mon, Apr 15th, 2019

Jennylyn Mercado, first time nag-special anchor ng ‘Chika Minute’ | Chika Muna

Share This
Tags

Aminado si Jennylyn Mercado na hindi niya naiwasang kabahan na maging anchor sa kauna-unahang pagkakataon ng “Chika Minute” ng “24 Oras” dahil batid niya na wala itong “take 2” kapag nagkamali.

Pansamantalang humalili si Jennylyn kay Iya Villania bilang anchor ng “Chika Minute” nitong Lunes para maghatid ng mga showbiz news.

Habang naghahanda bago sumalang bilang anchor, makikitang excited at kabado ang aktres, na bibida rin sa bagong primetime series na “Love You Two.”

“Kinakabahan ako. Parang tuloy hindi ako marunong magbasa bigla, ‘yung ganun, basta iba ‘yung feeling. Iba pala ‘pag news ‘no?,” natatawang niyang sabi.

“Wala nang take 2 eh ‘di ba? Ito na ‘yun eh, ‘pag nagkamali ako, patay!,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng kaba, maayos na naitawid ni Jennylyn ang kaniyang pagiging showbiz news anchor at bumilib sa kaniya ang veteran news anchor na si Mike Enriquez.

Kasama ni Jennylyn sa “Love You Two” sina Gabby Concepcion, Kiray Celis, Shaira Diaz at Solenn Heussaff. — FRJ, GMA News

Source link

About the Author