Published On: Fri, Jun 21st, 2019

Jasmine Curtis, sinabing nagselos pero masaya para sa kaniya ang kapatid na si Anne | Chika Muna

Share This
Tags

Inilahad ni Jasmine Curtis-Smith na masaya at “nagseselos” sa kaniya ang ate niyang si Anne Curtis dahil sa kaniyang pagganap sa Pinoy remake ng “Descendants of the Sun.”

Sa panayam ng GMA Pinoy TV, ikinuwento ni Jasmine na isa ang “Descendants of the Sun” sa mga paboritong Korean drama ni Anne.

“She’s so jealous, but she’s really happy kasi it’s one of her favorite K-dramas. So she’s excited and, she’s just very happy for me,” saad ni Jasmine.

READ: Cast ng remake ng ‘Descendants of the Sun,’ ipinakilala na

Katunayan, si Anne pa ang nag-impluwensya sa kaniya na ma-hook na rin sa mga K-drama at K-pop stars.

“In terms of K-drama or mga actor, wala pa, though right now since ‘yun nga, nag-start na ako sa Korean scene na maging familiar, because of my sister. Siya talaga ang may pakana ng lahat ng ito! Because of her, fan na rin ako ng Blackpink,” natatawang sabi ni Jasmine.

“And sa Blackpink, ang pinakasinusundan ko doon si Lisa ’cause I love her dance moves and I wanna emulate them. So I wala masyado sa acting, hindi pa ako super aware doon but sa K-Pop, si Lisa of Blackpink,” ayon pa kay Jasmine.

Nalungkot at medyo nabitin daw si Jasmine nang matapos niya ang “Descendants of the Sun” series, pero may mga suggestion na raw agad si Anne na kaniyang susunod na panonoorin.

“May listahan siya! Meron siyang sine-send na listahan. Kasi siya ‘yung unang-una kong tinext nu’ng natapos ang series. Tapos sabi niya, ‘Huwag ka nang malungkot, ito na lang, panoorin mo na ito,'” kuwento ng Kapuso star.– FRJ, GMA News

Source link

About the Author