Published On: Fri, Aug 9th, 2019

Jackie Rice, idinaan sa biro ang pag-alma vs website na ginawa siyang nag-aalok ng ‘escort’ service | Chika Muna

Share This
Tags

Pumalag ang sexy Kapuso star na si Jackie Rice laban sa isang website nang isama ang kaniyang pangalan at larawan sa mga babaeng nag-aalok ng “escort” service.

Sa kaniyang Instagram account, ipinost ng dating “StarStruck” ang ilang mensahe na makikitang idinaan ng aktes sa biro ang naturang usapin.

Nakalagay sa escort website ang pangalan at larawan ng aktres na may nakasaad na handa raw ang aktres sa “escort” service sa halagang P2 milyon.

May ahente umanong mamamagitan para maganap ang “date” ng kanilang VIP member sa aktres.

Sabi ni Jackie sa kaniyang IG post, “Goodnight no worries natatawa na lang ako sa gumawa kaya pinost ko pa.”

“Masyado na akong trending magpapataas na ako sa 2M,” dagdag pa niya.

Sa isang larawan na ipinost niya sa kaniyang IG habang nasa loob ng isang tindahan, nilagyan niya ito ng caption na, “Paano gastusin ang million million?”

 

 

Naglagay din siya ng kaniyang sexy photo na nakatalikod at may caption na, “13 years sa showbiz. Still trending padin. Thank you social media. here’s my walang butt and buts for all.” —FRJ, GMA News

Source link

About the Author