Published On: Wed, Apr 10th, 2019

Ilang Kapuso star na nagtapos sa kolehiyo na may Latin honors | Chika Muna

Share This
Tags

Marami ang humanga sa aktres na si Yasmien Kurdi nang magtapos siya sa kolehiyo sa kursong Political Science na magna cum laude. Kilalanin ang iba pang Kapuso celebrity na nakapagtapos na with Latin honors.

Sa¬† Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkoles, inihayag ng bida sa “Hiram na Anak” na si Yasmien ang kasiyahan sa kaniyang achievement sa pag-aaral.

Time management daw ang naging susi ni Yasmien upang mapagsabay-sabay ang pag-aaral, pag-aartista at pagiging ina at maybahay.

“It’s never too late, never give up. Sana ma-inspire din ang mga ibang tao na katulad kong working students na never give up on your dreams no matter what. Kapag gusto mo ang isang bagay, walang imposible,” anang aktres.

Magna cum laude rin sa kursong BSBA Marketing Management sa Our Lady of Fatima University sa Antipolo City ang “Inagaw na Bituin” star na si Renz Valerio, na inialay ang tagumpay sa kaniyang pamilya.

Pero hindi lang sila ang mga Kapuso na nagtapos with honors sa mga nagdaang taon. Si GMA Network Excellence Award Ambassador Benjamin Alves, nagtapos din noon bilang summa cum laude sa kursong English Literature sa University of Guam.

Si Carla Abellana, nakapagtapos siya dati nang cum laude sa kursong Psychology sa De La Salle University-Manila.

Ang kapuso hunk namang si Rocco Nacino, isa nang registered nurse nang sumabak sa showbiz.Kahit busy sa showbiz, kumuha pa siya ng Masters of Arts in Nursing sa St. Bernadette of Lourdes College at nagtapos siya noon bilang cum laude.– FRJ, GMA News

Source link

About the Author