Published On: Thu, Aug 8th, 2019

Derek sa relasyon nila ni Andrea: ‘I think we’re more than friends’ | Chika Muna

Share This
Tags

Habang tumatagal ang tambalan nila sa Kapuso series na “The Better Woman,” mas lalo raw nakikilala nina Derek Ramsay at Andrea Torres ang isa’t isa at lalong lumalalim ang kanilang samahan.

Sa Chika Minute report ni  Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabing marami ang nakakapansin na tila more than co-stars na ang relasyon nina Derek at Andrea lalo na sa ipinapakita nilang chemistry on screen.

At maging off screen, lagi rin silang magkasama at makikita ito sa ilang Instagram post ni Andrea.

Katulad na lang ng panonood ni Andrea ng basketball game ni Derek. Lumipad din ang aktres patungong China para naman suportahan ang aktor sa sinalihang frisbee competition.

Ayon kay Andrea, first daw niyang makapanood ng ganung kompetisyon at wala siyang alam sa buhay ng atleta. Pero matapos nito, tumaas daw ang respeto niya sa mga manlalaro dahil nakita niya kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga ito para sa bansa.

Si Derek naman, lalo pang humanga kay Andrea sa ipinakitang suporta sa kaniya at wala raw itong kaartehan sa katawan.

“Kung umuulan nandun siya walang payong; kung mainit nandun siya,” saad ni Derek.

Habang tumatagal, mas marami pa raw silang nadidiskubre sa isa’t isa at marami pala silang pagkakapareho tulad ng pagiging mapagmahal sa pamilya.

Ipinakilala na rin daw ni Derek si Andrea sa kaniyang mommy, at kasundo raw ng mommy ni Andrea si Derek

Ayon kay Derek, mararamdaman daw kaagad kung gusto o ayaw ng kaniyang ina ang isang tao.

Nang tanungin kung ano ang tingin ng mommy niya kay Andrea ng kaniyang ipakilala, sabi ni Derek, “She like Andrea. Ang exact word, ‘Yan ang babaeng may breeding.”

Si Andrea naman, sinabing sobrang kasundo ng mommy niya si Derek. 

“Parang nagugulat na lang ako, ‘Ka-text ko si Derek kanina. [Ako] Ha?,” natatawa niyang kuwento.

Dahil sa nakikitang closeness ng dalawa, marami ang nagtatanong lalo na ang kanilang fans kung ano na ang real score sa kanila.

Sabi ni Andrea, “Sa amin kasi never kaming nag-effort.”

Habang si Derek naman, “I think more than friends. We developed a really strong friendship in a short period of time.” — FRJ, GMA News

Source link

About the Author