Published On: Tue, Apr 30th, 2019

Baeby Baste, ‘di kinaya ang takot sa baby crocodile | Chika Muna

Share This
Tags

Kinaaliwan ng netizens ang cute encounter ng “Eat Bulaga” dabarkads na si Baeby Baste sa isang baby crocodile sa isang zoo.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, makikita si Baste habang hawak ang isang maliit na buwaya para sa picture taking.

Iyon nga lang, matindi pala ang takot ni Baste sa mga reptile. Kaya matapos ang pilit na nginit, napasigaw na sa takot ang child star.

Kung takot si Baste sa buwaya, hindi naman ang kaniyang younger brother na si Sam-sam, na todo pose pa kasama ang baby croc.

Pero may pagkakataon din na napasigaw si Sam-sam habang nasa tabi ng ahas.

Ang bonding nina Baste at Sam-sam kasama ang pamilya, sinulit na raw nila bago muling bumalik sa Maynila. — FRJ, GMA News

Source link

About the Author