Published On: Mon, Apr 8th, 2019

Alamin ang reaksyon ni Derek sa pagtawag sa kaniya ni Andrea na ‘stranger’ | Chika Muna

Share This
Tags

Kaagad na nakatawag ng pansin sa netizens ang tambalan nina Andrea Torres at Derek Ramsay dahil sa sexy photo nila para sa Summer Station ID ng GMA Network.

Kasabay ng kaniyang pagpirma ng kontrata bilang Kapuso kamakailan, inihayag ni Derek na si Andrea ang kaniyang magiging kauna-unahang leading lady para sa GMA series na “The Better Woman.”

Si Andrea, ipinost sa kaniyang Instagram account ang larawan nila ni Derek.

“Have you seen the Summer Station ID? Hi there stranger ???? @ramsayderek07 Hahaha,” saad ni Andrea sa caption.

Ilang Kapuso stars ang nagkomento sa naturang larawan ng dalawa sa mga sexiest Kapuso.

 

 

Kahit si Derek, hindi napigilan na magkomento sa naturang post ni Andrea, na sinagot naman ng kanilang co-star na si Ina Feleo.

 

 

Nitong nakaraang linggo lang pumirma ng kontrata si Derek bilang Kapuso bagaman dati na siyang naging guest host noon sa “Eat Bulaga”. — FRJ, GMA News

Source link

About the Author